17

Jan 22, 2021 @ 18:10
By

Vaness del Moral: It’s a girl!

Ibinahagi ni Kapuso actress Vaness del Moral sa kanyang YouTube vlog na babae ang kanyang ipinagbubuntis.


Sa kanyang vlog entry,makikita ang aktres kasama ang kanyang mister na si Matt Kier na nagsagawa ng isang virtual gender reveal kasama ang kanilang pamilya sa iba’t ibang bansa.

“Intimate virtual gender reveal of baby Kier with the family. From the US and Jeddah to the Philippines. Thank you family.” saad ni del Moral sa caption ng kanyang vlog.

Makikita sa naturang video na pinutok ng aktres ang isang lobo at lumantad ang mga papel na nagpapakitang babae ang magiging anak nila ni Kier.

Sa dulo ng vlog, makikita rin si Kier na hiniwa ang isang cake at lumantad ang kulay pink na filling na nagsasaaad na babae ang kanilang magiging unang anak.

Oktubre ng nakaraang taon nang i-anunsyo ni del Moral na nagdadalang-tao siya.

Taong 2018 nang ikasal si del Moral at Kier sa Baguio City. (VAPA)

Attachments area
Preview YouTube video (VLOG 9) Gender Reveal

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?