306

By

Vance Larena kaliwa’t kanan ang projects

Sharing is caring!

Dumami ang projects ngayon ni Vance Larena na after lumabas sa ‘Bakwit Boys’, sunod-sunod na ang pinagkakaabalahan ng aktor.

Bukod sa TV guestings, pagbibidahan ni Vance ang ‘Kanser’ musical ni direk Frannie Zamora ng Gantimpala Theater Foundation. Siya rin ang bida sa ‘San Vicente’ ng Philippine Stagers Foundation ni Direk Vince Tañada.

First TV appearance niya ang ‘Dangal’ episode ng ‘Ipaglaban Mo’ directed by Eduardo Roy, Jr. na mapapanood ngayong Sabado (Setyembre 22), 3:15 pm sa ABS-CBN.

Malapit na rin niyang simulan ang pelikulang ‘Open’, produced by Star Cinema and TREX Entertainment na pagbibidahan nina Arci Munoz at JC Santos, at pamamahalaan ni Direk Andoy Ranay.

Ano’ng masasabi niya sa kanyang dalawang musical play?

Sambit ni Vance, “Parehas pong musical yung play, parehas din pong ako po ang pangunahing karakter kaya excited at kinakabahan po ako dahil malaking responsibilidad po ang nakaatang sa akin.

“Kinailangan ko rin pong bisitahin muli ang history. Disiplina at voice coaching po ang kailangan din, para maalagaan naman po ang boses.”

Ano ang feeling ni Vance na sunod-sunod ang project niya ngayon?

“Matagal na panahon ko pong pinagtrabahuhan, idinasal at pinangarap ito, masarap sa pakiramdam na napapansin at napapahalagahan ang iyong talento. Marami pa po akong kakaining bigas, kaya ginagalingan ko na lang po sa bawat project na dumadating,” pahayag pa niya.

Mapapanood ang Kanser sa AFP Theater, Camp Aguinaldo sa Sept. 28 (Friday) 8am/11am/2pm, Sept. 29 (Saturday) 8am/11am/2pm. Sa SM Southmall Cinema 3 sa Oct. 12 (Friday) 10am/2pm, at sa Oct. 13 (Saturday) 10am/2pm. For inquiries, you may contact Gantimpala Theater Office at 0921-2513733 / 998-5622 / 872-0261.

Ang San Vicente naman ay mapapanood sa Adamson University Theater sa September 24, 2018. For inquiries, you may contact PSF at 0927-1223023

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?