34

Jan 6, 2022 @ 18:40
By

Valorant coach Gibo umalis na sa Team Secret

Umalis na ang kilalang coach ng Valorant na si Gilbert “Gibo” Sales Jr. sa isang grupo ng isang sikat na European Esports na Team Secret.

Inanunsyo ang pag-alis ni Gibo sa Facebook page ng Team Secret nitong Enero 6.

“We made history together. Thank you for sharing this incredible journey with us, Gibo. We wish you all the best further! Salamat,” pahayag ng Team Secret.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Gibo sa kanyang social media accounts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?