75

Dec 21, 2017 @ 10:33
By

Validity ng Prepaid loads, 1 taon na – DTI

Mas matagal na ang validity ng prepaid load sa cellular phone lines.

Magiging isang taon na ito mula sa kasalukuyang anim na buwan lamang na bisa.

Kasunod ito ng paglagda sa isang joint memorandum circular (JMC) ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC).

Inaamiyendahan ng circular na ito an NTC Memorandum Circular No. 03-07-2009 o ang Guidelines on Prepaid Loads.

Ayon sa DTI, ito ay patunay na hangad ng gobyerno na maprotektahan ang karapatan ng mga konsyumer sa maayos na serbisyo ng telecommunications industry.

Sa direktiba, anumang halaga ng prepaid load ay magkakaroon ng isang taong bisa umpisa sa pagkakarga nito sa cell phone line.

Pero magiging exempted sa JMC ang prepaid load na mayroong promosyon at may iba pang serbisyo na mayroong permiso mula sa DTI at NTC.

Sa datos mula sa DTI, hanggang Disyembre 2016, mayroon nang 130 milyong cellphone subscribers.

Noong 2009, nasa 75.57 milyon ang gumagamit sa bansa ng cellular phone. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?