13
valerie-concepcion
By

Valerie Concepcion nalilinya sa kontrabida role

Sharing is caring!

Muling gaganap sa kontrabida role si Valerie Concepcion sa bagong serye ng GMA7 titled ‘Ika-5 Utos’.

Ipinahagayag ng aktres na ilang taon na nga siyang nalilinya sa kontrabida roles sa telebisyon.

“Yes, kontrabida po ulit ang role ko sa Ika-5 Utos. Actually, puro kontrabida po ako since 2013, since Anna Karenina. Sobrang… ay well no, 100 Hundred Days to Heaven (ABS CBN, starring Coney Reyes) pala kontrabida na ako, nalilinya nga po ko sa mga kontrabida eh,” saad ni Valerie.

Idinagdag din ni Val (tawag kay Valerie) na kakaibang kontrabida role itong ginagawa niya ngayon dahil ito raw kasi ang pinakamahirap.

“Nag-eenjoy po ako sa mga past kontrabida roles, pero this kontrabida role is making me… not naman not enjoy it, it makes me parang… parang feeling ko ito yung hardest kontrabida that I have to do.

“Kasi first nacha-challenge ako. Well, pressured kami dahil sa Ika-6 na Utos. Pangalawa, si Laurice Guillen is challenging us na maging different ito from all the other roles na we did before. So, talagang tinututukan niya po yung mga eksena namin, yung acting namin.

“And then third, parang sabi ko dati kasi yung mga kontrabida, parang hindi masyadong umiiyak kaya parang ang dali lang. Ito hindi eh, umiiyak din siya at the same time strong siya, tapos pinipigilan niyang umiyak, parang ang hirap gawin kasi nasa… parang nasa loob yung nararamdaman niya talaga,” esplika pa ni Valerie.

Tampok din sa Ika-5 Utos sina Jean Garcia, Gelli de Belen, Tonton Gutierrez, Inah de Belen, Jake Vargas, Neil Ryan Sese, at iba pa. Katuwang ni Direk Laurice sa pamamahala ng naturang serye si Direk Lore Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?