7
ABANTE valenzuela police cars
By

Valenzuela PNP may bagong police cars, K9 units

Sharing is caring!

Nakatanggap ng bagong 60 police cars at 6 na K9 units ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela at Valenzuela Police.

Dinaluhan mismo PNP Chief Ronald Dela Rosa kasama si Mayor Rex Gatchalian ang turn-over ceremony.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Dela Rosa sa mga ibinigay na police cars at k9 dogs lalot malaki ang maitutulong nito sa ginagawang pagpapatrolya ng mga pulis sa lungsod.

Aabot sa P1 milyong ang halaga ng bawat isang police car, mayroon itong kanya kanyang dash cam at gps o global positioning system para malaman kung saan saan ito nagpupunta

Sinabi naman ni Mayor Gatchalian na, nakatakda rin silang mag-donate ng body cam sa mga pulis Valenzuela. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?