26

Jul 17, 2021 @ 21:54
By

Valenzuela nagbukas bagong home for the aged

Nagbukas nitong Biyernes ang bagong home for the aged sa Valenzuela City na pinangalanang Bahay Kanlungan.

Ibinahagi ito ni Mayor Rex Gatchalian sa isang Facebook post.

“First night in their new home, Bahay Kanlungan, home for our abandoned senior citizens,” saad ni Gatchalian.

“First time that they’re using the exercise area of Bahay Kanlungan, para maarawan sila. Of course we have house parents supervising them to avoid any injuries. Our seniors seem to like it,” dagdag pa ng alkalde.

May apat na palapag ang Bahay Kanlungan at kasya ang hanggang sa 75 na matatanda.

Ang mga kasalukuyang nakatira rito ay inilipat mula sa Bahay Kalinga.

Ang disenyo rin nito ay hinango sa mga sinaunang tahanan upang maging ‘feel at home’ ang mga titira.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?