14

Feb 10, 2021 @ 14:45
By

Valenzuela mayor baka bumalik sa Kongreso

Posibleng tumakbo ulit bilang Valenzuela representative si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa halalan 2022.

Pero, sa Kapihan sa Manila Bay, giniit niyang bibigyang-prayoridad niya ang COVID-19 response sa lungsod.

“I don’t want to be coy about it, but to be honest, all my thoughts are only for this COVID-19 plans or COVID response. Haven’t really thought about politics pero definitely, staying in the local realm, I’m probably going back to Congress probably,” wika ng alkalde nang tanungin sa balak niya sa politika.

“I have more things to do in this city: not as their local chief executive, but maybe as their congressional representative, which I used to be for the first district,” dagdag niya.

Magugunitang bago maging alkalde ay nahalal si Gatchalian bilang kinatawan ng 1st District ng Valenzuela City noong 2007. Nare-elect siya noong 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?