14

May 4, 2021 @ 15:56
By

Valenzuela may sariling ultra low freeze facility

Handa ang Valenzuela City sa pagdating ng mga bakuna na kailangan ng mababang temperatura.

Sa tweet ni Mayor Rex Gatchalian, pinasilip nito ang kanilang ultra low freeze facility sa kanilang alert center.

Ayon kay Gatchalian, ang kanilang freezer ay kayang umabot sa -90 degrees Celcius na temperatura.

Ibig sabihin, maari nang mag-imbak ng Pfizer vaccine ang Valenzuela City dahil -70 degrees Celcius ang storage condition ng nasabing bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?