56

Mar 30, 2020 @ 22:49
By

Valenzuela City may 2 COVID-patient na nasawi

Kinumpirma ng Valenzuela City public information office, na dalawa na ang nasawi sa kanilang siyudad dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ang pangalawang nasawi ay pasyenteng 69-anyos na babae. Siya rin ang ika-9 na kaso na naitala sa lungsod. Hindi na binanggit kung saang barangay nakatira ang pasyente para sa privacy nito.

Mayroon na umanong kabuuang 116 person under monitoring at 114 person under investigation sa Valenzuela City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?