15

Jan 10, 2021 @ 18:30
By

Valenzuela, AstraZeneca may kasunduan na

Naghahanda na rin ang Valenzuela City sa pagpakyaw ng bakuna kontra Covid-19.

Kinumpirma ni Sen. Sherwin Gatchalian na nakatakda nang lumagda ang naturang lungsod sa kasunduan nila ng British drug maker na AstraZeneca.

Ani Sen. Sherwin, naka-usap niya ang kapatid niyang si Rex, alklade ng nasabing Lungsod, at sinabing posibleng maganap ang pirmahan ng kasunduan sa susunod linggo.

Gayunman, nilinaw niya na sa Hulyo pa darating ang bakuna.

Aniya, matagal-tagal din na maghihintay ang kanilang lokal na pamahalaan sa pagdating ng bakuna.

Tiniyak naman ni Gatchalian na libreng mababakunahan ang lahat ng residente sa kanilang lungsod.

Binigyan-diin din niya na mga frontliner at mahihirap ang unang prayoridad sa gagawing malawakang pagbabakuna.

Kasalukuyan nang naghahanda ang iba pang lungsod tulad ng Pasig at Antipolo para sa pagpakyaw ng bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?