304

By ,

Valentine’s Day rapist, tiklo sa Antipolo

Sharing is caring!

Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Antipolo police ang tinaguriang No. 4 most wanted person matapos ang isinagawang follow-up operations kamakalawa ng umaga.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Purita Deynata, RTC Branch 98 ng Antipolo City, Rizal, inaresto sa loob ng kanyang bahay si Noel Leonen y Plopiño, 43, security guard sa Sitio San Lorenzo Ruiz, Barangay San Roque, Antipolo City dahil sa kasong rape na naganap noong Pebrero 14 ng nakaraang taon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo City Police Station ang suspek habang inihahanda ang court order laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?