68

By

Valentine’s Day gugugulin ni Duterte kasama ang PDP-Laban

Ang mga kandidato ng Pilipino Demokratikong Pilipino-Laban (PDP- Laban) ang makakasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa araw ng mga puso o Valentines day.

Batay sa official schedule ng Presidente, nakatakda nitong pangunahan ang proclamation rally ng PDP-Laban sa San Jose del Monte City, Bulacan sa mismong araw ng mga puso.

Habang nagsasaya ang mga Pinoy ay nagtatrabaho naman ang Presidente dahil siya ang tumatayong Chairman ng partido.

Inaasahang dadagsa sa Bulacan ang lahat ng mga kandidato ng administration party, kasama ang Party President na si Senador Koko Pimentel.

Samantala, sinagot ni Davao City Mayor Sara Duterte ang hindi pagsipot ni Pangulong Duterte sa proclamation rally ng Hugpong ng Pagbabago sa San Fernando,Pampanga kahapon, araw ng Martes.

Ayon sa alkalde, hindi na niya inimbitahan ang Presidente sa aktibidad ng kanilang partido dahil abala ito sa pagtugon sa mga problema ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?