130

Nov 18, 2021 @ 16:48
By

Valentina ilalantad na

Matapos ang ilang taong pagkasabik ng mga netizen sa kung sino ang gaganap sa babaeng buhok ay ahas at mortal na kaaway ni “Darna”, sa wakas ay ipakikilala na siya.

Ayon sa ABS-CBN, magaganap ang “The Valentina Reveal” bukas, November 19.

Trending ngayon ang hashtag na Valentina dahil kanya-kanya nang hula ang mga netizen kung sino ito.

Lumutang mga pangalan nina Janella Salvador at Jane Oineza dahil bali-balitang nagsisimula sa J ang name ng napiling gumanap para sa mortal na kalaban ni “Darna”.

Si Valentina na lamang ang hindi pa ipinakikilala nang i-reveal ang cast noong October.

Kabilang sa cast members ng Darna TV series sina Jane de Leon bilang Darna at Iza Calzado, na siyang nanay ni Narda at magpapasa ng bato sa una.

Gaganap namang Ding na kapatid ni Narda ang child actor na si Zaijan Jaranilla habang si Joshua Garcia ang magpapaibig sa Pinay superhero bilang si Brian. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?