208

Oct 23, 2017 @ 12:03

Valeen kinamumuhian ng kampo ni Heart

Unti-unti na ngang dumadami ang haters nina Valeen Montenegro at Edgar Allan Guzman dahil sa portrayal nila as Cindy and Ryan sa hit primetime series na My Korean Jagiya ng Kapuso Network.

Hindi na mabilang ang hate comments na nakikita namin sa Twitter every night lalo kapag sila ang nasa eksena with Gia and Jun Ho na ginagampanan naman nina Heart Evangelista at Alexander Lee.

Ilan sa mga posts na nakikita namin ay nagsasabing sila raw ang dakilang epal at dahil dito, mas nakakainis na sila every night. Feel na feel ng mga viewers ang inis tuwing niyayakap at hinahalikan ni Cindy si Jun Ho habang hindi naman mapigilan ng manonood ang galit kapag pinipilit ni Ryan ang sarili kay Gia at sa pamilya nito lalo na kay Tita Josie na ginagampanan ni Ricky Davao.

Aba naman, isa lang ang ibig sabihin nito: Effective sila sa mga roles nila. Good job, guys! Keep it up!

 

Marian dinumog sa Pangasinan

Dahil may bagong karakter na ipakikilala sa primetime soap ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na Super Ma’am, isang guessing game ang tila nagaganap ngayon sa social media mula sa mga netizens.

Mula kasi nang ipinost ng gmanetwork.com sa kanilang Instagram ang video ng Kapuso actor na gaganap bilang si Isko Dagohoy na isang Girero, kanya-kanya nang hula ang netizens sa identity nito.

Marami ang humula na si Ivan Dorschner ito. Ang iba naman, ang pinakabagong Kapuso raw na si Jason Abalos. Pero si Ivan Dorschner nga.

Samantala dinumog nang bonggang-bongga ang mall show nina Marian Rivera, Jerald Napoles, Kristoffer Martin at Joyce Ching sa Magic Mall sa Urdaneta, Pangasinan. Nahirapan pumasok at lumabas ng mall ang mga artista ng Super Ma’am sa dami ng taong dumagsa.

Nahirapan ang mga securities na i-control ang crowd. At siyempre, masaya sina Marian na aliwin ang mga tao roon. Sayang nga lang at marami ang hindi nakapasok sa loob ng mall at naghintay na lang sa labas.

 

Aljur-Louise talunan kina Ivan-Kate

Walang nasabi ang tambalan nina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes na siyang mga bida sa istorya ng Wansapanataym nang tapatan sila ng tandem nina Ivan Dorschner at Kate Valdez sa Daig Kayo Ng Lola Ko last week.

Ayon kasi sa TV ratings, mas pinanood ito ng mga viewers dahil sa bago at nakakakilig na love story nila bilang Prince Stephen at Princess Lea. Kakaiba raw ang timpla nito at bago sa paningin ng viewers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?