222
Valdez, Santiago sisters, hahampas sa PH national team
By

Valdez, Santiago sisters, hahampas sa PH national team

Pangmalakasan ang ihahanay na volleyball national team ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. sa parating na 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Magkahalong mga bagito at beterana ang isasabak ng ‘Pinas, na papangunahan ng three-time UAAP MVP, Mika Reyes, Denden Lazaro, Aby Maraño at magkapatid na Jaja at Dindin Santiago-Manabat.

Kasalo nila sina Dawn Macandili, Ces Molina, Jia Morado, Myleen Paat, Aiza Maizo-Pontillas, at Fil-Am athlete na sina Kalei Mau, Alohi Robins-Hanfy, at MJ Phillips.

Makakasama ng mga beterano ang mga bagong manlalaro sa national pool na sina UST rookie Eya Laure, Diana Carlos, Kath Arado, Angel Cayuna, Celine Domingo, Jema Galanza, at Jerrili Malabanan.

Para naman sa men’s team, mangunguna ang nasa Japanese V-League na si Marck Espejo kasama ang Benilde star na si John Vic de Guzman.

Mark Alfafara, Peter Torres, Bryan Bagunas, Kim Dayandante, Joven dela Vega, Rex Intal, Ismail Fauzi, Joshua Umandal, Adbilla Alnakran, Jessie Lopez, Kim Malabunga, Rikko Marmeto, Ricky Marcos, Ish Polvorosa, Francis Saura, Jeffrey Malabanan, Jayvee Sumagaysay at Jack Kalingking,

Magiging coach para sa women’s si Shaq delos Reyes, samantalang para sa men’s ay ang NU coach na si Dante Alinsunurin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?