23

Oct 7, 2021 @ 0:15
By

Valdez sabak sa PBB

Sasabak na isa sa mga celebrity contestant ng 2021 Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 si Premier Volleyball League star Alyssa Valdez nang maanyayahan.

“Nakatanggap ako ng sulat mula kay #BigBrother!” pagsisiwalat ng volleyball phenom sa kanyang Twitter Miyerkoles. “Ano kaya ang papagawa ni kuya sa akin??”

Huling pumalo si Valdez sa 2021 PVL Open Conference bubble sa Bacarra, Ilocos Norte nitong August kung saan sumegunda ang team niyang Creamline.

Tinanghal ang 28-anyos na dalagang balibolista mula sa Batangas na Best Outside Spikers ng torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?