107

By

Valdez, PH 5 yumuko sa Thais

‘Di kinaya ni Alyssa Valdez at ng national women’s volleyball team ang puwersa ng Thailand, 16-25, 22-25, 32-34, nitong Huwebes ng gabi sa women’s volleyball sa 30th Southeast Asian Games sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Ito ang ikalawang pagkatalo ng mga Pilipina sa 11-nation, 12-day biennial sports meet, nasipa na sa gold medal match, makakalaban na lang ang Indonesia para sa bronze sa darating na Lunes.

‘Di sapat ang 14 points ni Valdez at 11 points ni Mylene Paat para makabawi sana pagtaob din sa Vietnam, ang karibal ng 11-time champion Thais .

Nakalamang ang Pinay spikers sa ikalawang set 12-9; dumikit sa 13-all ngunit rumagasa ang Thailand squad upang makuha ang second set.

At mula sa pagamba ng visiting squad sa 20-24 match point at para sa panalo, lumapit ang national squad upang mapahaba ang laban; siyam na match points ang kinailangan ng Thailand upang tapusin ang laro

“Syempre sobrang nakaka-proud kasi every huddle namin, pinag-uusapan namin na maglaro lang kayo, i-enjoy natin and give yung 100 percent kasi wala namang mawawala eh. Yun ang pakiramdam namin, kung matatalo ka nakakalungkot, pero yung pakiramdam namin na nakapag-perform kami ng ganun kaganda especially yung mga player grabe yung ginawa and marami kaming napasayang tao,” ani PH 6 coach Ceasael ‘Shaq’ delos Santos.

Nanguna naman para sa Thailand si Pimpichaya Kokram na may 19 points at Wilavan Apinyapong na nagtala ng 15 markers.

Sunod sa Nationals ang Indonesians bukas, Sabado sa parehas na venue na tatapos sa prelims.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?