80

By

Valdez nakipagkita sa pinaiyak na tatay

Nag-viral sa social media ang isang ama na napaiyak dahil kay Creamline star Alyssa Valdez hindi dahil nasaktan siya nito, kundi dahil sa sobrang saya nitong makita ang iniidolo.

Nakilalang si Ricky Matrimonio, aniya, dati pa lang ay super idol na nito si Valdez buhat pa lang noong naglalaro ito para sa Ateneo Lady Eagles.

Ang tingin niya sa three-time Premier Volleyball League MVP, isang ‘super girl’.

“Kasi matagal ko na siyang idol eh, college pa lang siya idol ko na siya. Bilib ako sa kanya,” ayon kay Matrimonio.

“Simula noong college siya, tinalo nila ‘yung De La Salle. Sobrang bilib ako sa kanya noon hanggang sa ngayon siya pa rin ang number one para sa akin,” aniya pa.

Ayon pa sa anak nito na si Rina, hindi pa man nagsisimula ang laro ni Valdez ay umiiyak na ang kanyang tatay, tila hindi makapaniwala na sa wakas ay makikita na ang kanyang matagal nang sinusubaybayan sa larangan ng volleyball.

“Talagang idol ko siya, natutuwa ako na makita ko siya, sobrang tuwa. Masaya ako, sobrang saya napaiyak ako na napansin niya ako,” lahad pa ng 50-anyos, na na-stroke noong 2018.

Sa naging laban ng Creamline kontra PetroGazz sa Game 2 ng PVL Finals ay nagkita na ang super fan ang iniidolo nito.

“Nakakatuwa, very genuine talaga. Na-meet ko siya kanina he was saying na he has been watching me since I was in college, tapos na stroke siya tapos hindi na siya nakakanood masyado kasi syempre nahihirapan din siya gumalaw,” kwento ni Valdez.

“So I’m really a fan of tatay. Ang saya, nakaka-speechless, nakaka-overwhelm. Sana ma-bless pa ‘yung mga kagaya ni tatay,” sey pa ng dating Queen Eagle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?