29

By

Valdez MVP ulit; Pacific bumawi sa BanKo

Siniguro ng Pacific Town Army Lady Troopers na hindi na mangyayari ang pagkulapso matapos nito bawian ang katapat na BanKo Perlas Spikers sa pagtala ng 3-1 set na panalo 25-23, 20-25, 25-20, 25-23 para itabla ang labanan sa ikatlong puwesto ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Pinamunuan ni Honey Royze Tubino ang Lady Troopers sa pagsisimula pa lamang ng laro upang itala ang kabuuan na 23 puntos mula sa 20 atake at 3 aces habang nag-ambag din ang import na si Olena Flink ng 20 puntos.

Gayunman, hindi na isasagawa ang huling labanan para sa tansong medalya kung sakaling tuluyang masungkit ng Creamline ang korona sa labanan para sa kampeonato.

Awtomatikong masusungkit ng Pacific Town ang ikatlong puwesto matapos nito magawang magwagi sa apat na sets kumpara sa lima na nagawa ng Banko Perlas na mas mababa ang puntos.

Samantala’y tinanghal muli na Most Valuable Player sa torneo si Alyssa Valdez ng Creamline maliban pa sa nakamit nito na karangalan bilang 2nd Best Open Spiker.

Nakamit naman ni Nicole Tiamzon ng BanKo Perlas ang pagiging 1st Best Open Spiker habang iniuwi ni Angeline Marie Gervacio ng Banko Perlas ang 1st Best Opposite Spiker. Nakamit ni Katherine Adrielle Bersola ang 1st Best Middle Blocker habang nakuha ni Cherry Rose Nunag ng PetroGazz ang 2nd Best Middle Blocker.

Iniuwi ni Julia Melissa Morado ang pagiging Best Setter habang si Angela Nunag ng Pacific Town Army ang Best Libero. Napunta naman ang Best foreign player kay Wilma Salas ng Petro Gazz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?