33

By ,

Valdez, MVP ng Open Conference

Sharing is caring!

Tinanghal bilang Most Valuable Player ng Premier Volleyball League Open Conference si Creamline superstar Alyssa Valdez.

Bukod sa pagiging conference MVP, pinangalanan din si Valdez bilang 1st Best Opposite Spiker ng liga.

“Maraming-marami pong salamat sa lahat ng suporta, hindi ko po makukuha ang lahat ng awards na ito kung hindi dahil sa teammates ko rin,” wika ni Valdez.

“Sana po hindi natatapos dito ang pagsuporta natin sa volleyball, lalong-lalo na sa darating na SEA Games. Sana po suportahan ninyo po lalo ‘yung Philippine volleyball.”

Tinanghal naman na 2nd Best Opposite Spiker si Jema Galanza, 1st Best Middle Blocker naman si Maddie Madayag ng Ateneo-Motolite, 2nd Best Middle Blocker si BanKo Perlas Spiker Kathy Bersola.

Si Kat Tolentino naman ang Best Opposite Spiker, Best Setter si Jia Morado, at si Cienne Cruz ng Petro Gazz ang naging Best Libero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?