50

By

Valdez, Maraño, women’s volley nagbabatak sa Japan

Lumipad na ang women’s national volleyball team sa Tokyo, Japan para sa 12-day training camp kasama si coach Shaq Delos Santos upang palakasin ang tsansa sa gold medal sa 30th Southeast Asian Games.

Labingdalawa (12) mula sa 14-women squad ang bitbit ni coach Shaq kabilang sina Alyssa Valdez, Jia Morado, Aby Maraño, Kalei Mau, Majoy Baron, Mika Reyes, Mylene Paat, Rhea Dimaculangan, Maddie Madayag, Ces Molina, Dawn Macandili at Kath Arado.

Hahabol naman sina Eya Laure at Jovelyn Gonzaga kasama ang kanilang assistant coach na si Kungfu Reyes sa Miyekoles habang sina Roselyn Doria at Aiza Maizo-Pontillas, na hindi nakapasok sa final cut ng roster, ay present rin bilang reserve ng team.

“Ang gagawin pa namin ay kung paano makapaglaro ulit as one team,” ani Delos Santos. “‘Yun ang ina-adjust namin kasi skills-wise meron na naman sila. ‘Yung gagawin na lang namin ay kung paano mapatakbo ang team kasi ‘yun ang kailangan namin.”

Twice-a-day training ang kanilang regimen na magsimula ngayon Lunes at makikipagtunggali rin sa Kashiwa Angel Cross sa Martes bilang unang sabak nila sa limang tune-up games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?