89

By

Valdez, Maraño ibabandera ang ‘Pinas sa 2018 AVC Cup

Sharing is caring!

Magbabalik sina Alyssa Valdez at Aby Maraño para sa Team Pilipinas sa gaganapin na 2018 Asian Women’s Volleyball Cup sa Thailand simula Setyembre 16 hanggang 25.

Makatutulong nila ang mga nakasama sila sa Asian Games na sina Cha Cruz-Behag, Maika Ortiz, Mika Reyes, Mylene Paat, Jia Morado at Denden Lazaro.

Madadagdag naman sa koponan sina Jema Galanza, Gretchel Soltones, Risa Sato, Aiza Maizo-Pontillas, Jasmine Nabor at Tin Agno.

Mawawala sina Kim Dy, Majoy Baron at Dawn Macandili dahil pupunta silang New York bilang parte ng kanilang incentive dahil sa panalo sa UAAP. Hindi rin makakapaglaro ang magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat dahil sa kanilang committment sa Japan V-League.

Mawawala rin si Kim Fajardo na kailangan pagalingin ang kanyang knee injury.

Kabilang ang Pilipinas sa Pool C kasama ang Kazakhstan, Iran at Australia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?