36

Jun 17, 2020 @ 16:32

Valdez mapalad sa daming napukpok

Aminado si volleyball phenom Alyssa Valdez na minsan na rin siyang napanghinaan ng loob dahil sa krisis dulot ng coronavirus disease 2019.

Dahil sa nasabing pandemiya hindi pa makapagsimula ang atrasado ng 4th Premier Volleyball League (PVL) 2020 sapul nang mag-lockdown sa bansa noong Marso.

“For me it’s really hard cause’ probably this is the longest time (without games). Usually, the whole year naglalaro with PVL, the national team all throughout the year. Training, twice a day sometimes. So, sobra nung mga start ng quarantine medyo okay pa eh, medyo may time tayo for rest, ganyan,” kwento ni Valdez sa Tiebreaker Vods’ CPT Crossover Podcast kamakalawa.

Aniya, noong una positibo lang ang kanyang pananaw at ginawang rason upang makapagpahinga sa paglalaro. Pero kalaunan ay napanghihinaan na rin ng loob ang Creamline Cool Smashers team skipper.

Ngunit dahil sa tulong ng kanyang mga kasama, kabilang ang kanyang boyfriend na si PBA star Kiefer Ravena, ay hindi huminto si Valdez sa pagpapakondisyon.

“I think I’m lucky na lang din I’m surrounded by people na sobrang competitive, very athletic, so napu-push nila ako to really workout every single day,” wakas ng balibolista. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?