152

Jun 22, 2019 @ 20:00
By ,

Valdez, Kaewpin, Creamline tinagpas ang PetroGazz

Tinuldukan ng Creamline Cool Smashers ang seven-game winning streak ng PetroGazz Angels sa bisa ng 25-18, 21-25, 25-19, 26-24 triumph sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference Sabado sa The Arena.

Nagsabwatan para Cool Smashers sina Thai import Kuttika Kaewpin na pumalo ng 18 points, mula sa 16 attacks at dalawang aces, at si Alyssa Valdez na may 16 markers.

Naging malaking tinik din para sa Angels ang playmaker ng Cool Smashers na si Jia Morado na pumoste rin ng walong puntos at 23 excellent sets.

“If we win the set, we’re gonna get the game [and] if we lose that set we’re going to the fifth set, so I think it’s a win-win situation for the team,” ani Valdez sa post-game interview.

“We just give our 101 percent lang talaga and we were able overcome the challenges of the fourth set.”

Lamang ang Creamline 2-1, pagpasok ng fourth pero hindi naging madali sa tropa dahil nakabalikwas pabalik ang Angels nang iposte nito 24-21 na run dahil sa sunod-sunod na aces ni Jeanette Panaga.

May tsansa pa sana ang Angels na maipwersa ang fifth set pero nagawang bumalikwas ng Cool Smashers at itabla sa 24 ang laro hanggang sa attack error ni Johnson at crosscourt hit ni Valdez ang nagpanalo sa kanila.

Bumida naman para sa PetroGazz ang import nito na si Wilma Salas na may 23 markers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?