48

Oct 3, 2019 @ 23:09
By

Valdez hahampas na sa Grand Prix

Balik na sa aksiyon si Alyssa Valdez para sa Philippine women’s volleyball team sa pagho-host ng bansa sa second leg ng inaugural ASEAN Grand Prix, Biyernes, sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Hangad ng national squad na malagpasan ang kanilang bronze medal finish sa opening leg noong nakaraang buwan sa nasabing four-nation tourney.

Makakasama pa rin sa Pinay spikers sina first leg Best Middle Blocker Majoy Baron, Aby Maraño, Ces Molina, Mylene Paat, Maddie Madayag, Jia Morado, Eya Laure, Jovelyn Gonzaga, Roselyn Doria, Aiza Maizo-Pontillas, Kath Arado at Dawn Macandili.

Matatandaan na hindi nakalahok si Valdez noong opening leg dahil sa foot injury, kaya ito ang kanyang magiging debut sa torneo kasama rin sina newcomer Grethcel Soltones at Jasmine Nabor na pinalitan sina Filipino-American players Kalei Mau at Alohi Robins-Hardy.

Unang sasabak ang national team kontra Vietnam sa Biyernes alas-3 ng hapon, sunod ang Thailand sa Oktubre 5 alas-5 ng hapon at Oktubre 6 kontra Indonesia alas-5 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?