124

Jan 27, 2020 @ 20:01
By

Valdez, Espejo, Gumabao iba pa nagluluksa sa pagpanaw ni Kobe

Hindi lang ang mga basketball community ang nagluluksa sa pagkamatay ni Kobe Bryant.

Pumanaw si Bryant nitong Linggo (Lunes, Manila time) kasama ang kanyang anak na si 13-year-old Gianna sa isang helicopter crash pati ang pitong iba pang kasama nila.

Kabilang sa mga nagluluksa sina volleyball icon Alyssa Valdez, Marck Espejo at Michelle Gumabao.

“This is too much. My heart (broken hearted emoticon),” tweet ni Valdez kasama ang larawan ng mag-amang Bryant.

“Iba ka talaga Kobe. Grabe impact mo sa lahat ng players. Thank you! Rest well” caption ni Espejo sa kanyang Instagram story.

“Kahit hindi ako bball player iba parin impact mo sa amin. Rest peacefully Kobe & Gigi. Mamba Mentality forever”

Nagpost rin ng litrato si volleybelle Michele Gumabao noong bumisita si Bryant sa bansa noong 2011.

“2011 . I can still remember this day my ultimate fan girl moment I.. I still don’t know much about basketball but I know this man inspired every athlete all over the world including me! We all gotta have that Mamba Mentality! Never forget,” sey ni Gumabao.

Nagpaabot rin ng pakikiramay ang ilang volleyball players katulad nina Kalei Mau, Sisi Rondina, Rachel Ann Daquis, Mika Reyes, Gretchen Ho, Eya Laure, Majoy Baron, Maddie Madayag, Kat Tolentino, Kianna Dy, Mylene Paat at Alohi Robins-Hardy na nagpost ng larawan ni Kobe at Gianna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?