47

Nov 8, 2019 @ 19:08
By

Valdez, Creamline tatapusin ang Gazz

Mga laro sa Sabado: (Filoil Flying V Centre)

4:00pm — BanKo vs Motolite (Game 2 battle-for-3rd)

6:00pm — Creamline vs PetroGazz (Game 2 Finals)

Wala nang balak si Alyssa Valdez at ang Creamline Cool Smashers na pahabain pa ang best-of-three finals nila kontra PetroGazz sa 3rd PVL Open Conference.

Kaya naman inaasahang ididispatsa na ng Creamline ang PetroGazz sa Game 2 ng kanilang championship series alas-6 ng gabi sa FilOil Flying V Centre.

Lumagare ng game-high 19 points si Valdez sa Game 1 nitong Miyerkoles upang ibigay sa Cool Smashers ang 1-0 lead.

Makakatuwang ni Valdez si former Adamson star Jema Galanza na humagupit naman ng 15 points, kabilang ang 14 attacks, at palamuting 10 excellent digs.

“Ayaw naming maulit ‘yung hirap na pinagdaan naming noong Reinforced Conference,” pahayag ni Alyssa matapos kapusin noong 2019 Reinforced Conference finals kontra PetroGazz. “So we have to stay focused talaga and composed towards sa mga upcoming game. But we take it one game at a time.”

Pipilitin namang humirit ng Gazz sa tulong ni Jonah Sabete para makapwersa ng do-or-die Game 3.

Samantala, bakbakan naman sa unang laro ang BanKo Perlas kontra Motolite alas-4 ng hapon sa Game 2 nbg kanilang battle-for-3rd place.

Angat sa serye, 1-0, ang BanKo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?