203

Jul 5, 2019 @ 10:51
By

Valdez, Creamline nais bumalik sa PVL finals

Tapos mapataob sa ikatlong sunod na ulit ang Pacific Town Army nitong Miyerkoles sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference best-of-3 semifinals Game 1, batid ni Creamline ace spiker Alyssa Valdez na ‘di pa tapos ang laban.

“It doesn’t mean na we’re really one percent of what we aim to be and what we aim for. We’re really looking forward na na mas gumanda pa yung game namin,” wika ni Valdez.

Dagdag niya, “It’s nice also that the little details na natatalo kami ng isang set (sa game), okay din yun para we have things to improve on.”

Aniya, consistency ang susi para muling makabalik sa finals at upang madepensahan ang kanilang korona sa torneo.

“Labanan na ng consistency and puso sa latter part,” saad ni Valdez.

Kasama sina imports Kuttika Kaewpin, Aleoscar Blanco, setter Jia Morado at opposite hitter Michele Gumabao, balak na tapusin ng Cool Smashers ang sagupaan kontra sa Lady Troopers sa Sabado sa Ynares Center, Antipolo City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?