92

Oct 27, 2019 @ 9:11
By

Valdez, Creamline lumapit sa c’ship

Mga laro ngayon:

(FilOil Flying V Centre)

2:00 pm – BanKo vs PetroGazz

4:00 pm – Creamline vs Motolite

Kinapitan ng Creamline sina Alyssa Valdez, Jia Morado at Michele Gumabao upang diskargahin sa ikatlong sunod na pagkakataon ang Motolite, 18-25, 25-14, 25-21, 25-14, at kumatok sa 3rd PVL Open Conference 2019 finals Sabado ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Natisod muna sa unang set, pero lumabas ang bangis ng defending champion Cool Smashers sa tatlong natitirang frame upang ilista ang 1-0 at mamuro na sa championship round. Puwedeng walisin ng Creamline ang best-of-3 semis ngayong alas-4:00 ng hapon sa parehas na venue.

Kababalik lang nina Valdez at Morado mula sa Japan training camp bilang miyembro ng PH 6 na kakasa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa darating na Nobyembre 30-Disyembre 11. Ang presensya ng dalawa ang nagpasigla sa mga kakuwadra.

Nakatuwang ni Valdez si beauty queen Michelle Gumabao sa 4th set attack, habang si Ma. Paulina ‘Pao’ Soriano ang maagang nanalanta sa pagtapos ng 11 points. May 20 points si Valdez, at si Morado ay may 26 excellent sets. Naka-15 markers si Gumabao at may 13 pa si Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza.

Ito na ang 17 straight wins ng Cool Smashers mula sa 16-game 2-round elims sweep kung saan No. ang Power Builders na nag-10-6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?