14

By

Valdez, Creamline diniskaril ang Motolite

Winalis ng Creamline Cool Smashers, sa pamumuno ni Alyssa Valdez, ang Motolite, 25-14, 25-15, 25-14, sa second game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference, Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

Bumida para sa opensa ng Cool Smashers sina Valdez na may 15 points at Jema Galanza na umiskor ng 12 markers.

“After that last game kasi we had a good talk with coach Tai (Bundit) talaga. He pointed out all the things na kailangan naming ma-improve hindi lang skills, so more of mentally talaga,” pahayag ni team captain Valdez.

Kumayod naman para sa depensa ng koponan si libero Kyla Atienza na may 18 digs at siyam na excellent receptions.

“It’s all about preparation for us and ‘yun naman ‘yung puhunan namin,” sabi naman ni Michele Gumabao na may siyam na puntos para sa Creamline.

“Mas pinapabuti lang namin every single game. They asked us nga kanina na how does it feel na first time namin manalo ‘yung first game of the season. ‘Yun nga pinapaalahanan ni coach Tai na never settle.”

Nangunguna sa liderato ng torneo ang Creamline Cool Smashers na may 2-0 win-loss record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?