6
jonas-valanciunas

Valanciunas may 26 sa panalo ng Raptors vs Nets

Sharing is caring!

Sa ikatlong sunod na taon, naka-50 wins na naman ang Toronto Raptors.

Subalit hindi pa kuntento sina DeMar DeRozan at Kyle Lowry sa panalong ito ng Raptors.

“There’s a bigger goal,” sabi ni DeRozan, ang natitirang player ng Raptors na nakapagtala ng 22-60 noong 2010-2011 season.

“Success during the regular season is great, but we’re playing for something bigger than all of us. That’s to get in the postseason and win all the rounds to get that gold trophy,” dagdag pa nito matapos talunin ang Brooklyn Nets, 116-102.

Nanguna si Jonas Valanciunas sa kanyang 26 points at 14 rebounds sa Raptors na nanalo ng siyam na sunod at 16 sa 17 laro.

Umabot na sa apat na laro ang lamang ng Toronto sa Boston Celtics sa top spot ng Eastern Conference.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?