1,190

Dec 19, 2017 @ 15:35
By

Val Iglesias tumiwalag na sa kampo ni Coco?

TOTOO kayang wala na si Val Iglesia sa Ang Probinsyano na matagal na ring fight instructor nina Coco Martin? May narinig kaming kuwento tungkol sa dalawa, pero hindi na muna namin isusulat dahil hindi pa namin nakakausap si Coco.

Gusto sana namin siyang hingan ng reaksyon sa naririnig namin tungkol sa nangyayari sa taping nila sa Ang Probinsyano. Wala namang may nagkumpirma sa narinig naming kuwento kung bakit nag-resign na raw si Val.

Duda ng ilang patuloy na tumututok sa naturang teleserye, parang si Lito Lapid na raw ang fighting instructor nila dahil mala-Lito Lapid na raw ang style ng stunts nila.

Pero sa totoo lang, ang laki nang nagawa ni Coco sa mga dating action star dahil nabigyan uli sila ng career. Matagal nang natengga ang karamihan sa kanila, kagaya ni Joko Diaz, hanggang kay Amay Bisaya at mga gumaganap na goons. Ngayon ay nabuhay ang career dahil sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Wala na kasing action films, kaya malaking bagay itong ginagawa ni Coco para mabalik ang dating sigla ng career ng mga dating artista ng aksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?