145

Jan 19, 2021 @ 17:39
By

‘Vagina’ kandila ng aktres sumabog

Sumambulat ang ibinebentang kandila ni Hollywood actress Gwyneth Paltrow, na sinasabing kaamoy ng kanyang vagina.

Ayon sa The Sun report, sumabog ang tindang “This Smells Like My Vagina” candle ng aktres sa bahay ng isang babaeng taga-United Kingdom.

Napanalunan daw ng babae ang kandila sa isang quiz.

“The candle exploded and emitted huge flames, with bits flying everywhere,” kuwento ni Jody Thompson, 50.

Sa tindi raw ng pagsabog ay tila naging impiyerno ang living room niya.

“I’ve never seen anything like it. The whole thing was ablaze and it was too hot to touch. There was an inferno in the room,” dagdag ni Thompson.

Inilunsad ni Paltrow, 48, ang kanyang kandilang nagkakahalaga ng $75 o mahigit P3,000 noong January 2020.

Sinasabing naglalabas ang kandila ng amoy na katulad ng private scent ni Paltrow.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?