55

Nov 30, 2020 @ 13:13
By

Vaccine czar dumistansiya sa paglabag ni Roque sa health protocol

Dumistansiya si National Task Force for COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa isyu ng umano’y paglabag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa health protocol sa Cebu.

Sinabi ni Galvez na hindi siya magkokomento sa mga puna laban kay Roque dahil magpupulong ngayong Lunes ang Inter-Agency Task Force (IATF).

“I will reserve my comment on that considering we have an IATF meeting on this,” ani Galvez.

Makakapulong din ng IATF si Pangulong Rodrigo Duterte bago ang kanyang regular na mensahe sa bayan ngayong Lunes ng gabi.

Pinutakti ng kritisismo si Roque sa social media matapos dumalo sa isang event sa Bantayan island, Cebu dahil sa hindi umano pagsunod sa social distancing.

Pero nagpaliwanag ang kalihim na pinaalalahanan niya ang mga dumalo sa event na magsuot ng mask at sundin ang social distancing.

Sa katunayan aniya ay hindi siya nakipagkamay at nagsuot din siya ng face mask habang nasa event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?