11

Jul 30, 2021 @ 13:16
By

Vaccination rollout tuloy kahit may ECQ – Palasyo

Magtutuloy-tuloy ang ginagawang pagbabakuna sa Metro Manila kahit mayroong ipaiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ang tiniyak ng Malacañang matapos ianunsiyo ang pinaka-mahigpit na community quarantine status simula sa August 6-20, 2021.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi matitigil ang vaccination rollout dahil ang layunin ng gobyerno ay mabigyan ng proteksiyon ang mayorya ng populasyon sa bansa.

Maglalabas aniya ng guidelines ang vaccination committee para hindi magdagsaan at magkumpulan ang mga tao sa vaccination area.

“Yes definitely, details to be provided in due course by the vaccination committee,” ani Roque.

Isa aniya sa kundisyon ng Metro Mayors ay dapat tuloy-tuloy ang pagbakuna dahil mahalagang mabigyan ng proteksiyon ang mga mamamyan sa Metro Manila.

“Kahit ano pong mangyari, kasama yan sa kundisyones ng mga mayor na kahit may ECQ  ay dapat tuloy-tuloy ang pagbakuna sa mamamayan,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?