21

Oct 11, 2021 @ 17:15
By

Vaccination caravan sa mga paaralan ilalarga ng CHED

Magbabakuna na rin ang gobyerno sa mga unibersidad at kolehiyo para maihanda ang mga estudyante at mga school personnel sa posibleng pagbabalik ng face-to-face classes.

Sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera sa press briefing sa Malacañang na bahagi ito ng kanilang plano para sa mas marami pang paaralan ang bubuksan sa face-to-face classes.

“This is to highlight the urgency of vaccination and encourage all education personnel, faculty, administrators and students to immediately get vaccinated dahil marami ang bakunang padating,” ani De Vera.

Nauna nang binuksan sa face-to-face classes noong Enero para sa medical courses sa ilang mga paaralan sa Metro Manila at umaasa ang opisyal ba madadagdagan pa ang mga kursong bubuksan sa face-to-face classes sa mga susunod na araw.

Sinabi ni De Vera na napakababa ng infection rate sa mga estudyanteng nag-face to face at kung may kaso man ay nagiging asymptomatic at walang namatay sa COVID-19.

All-systems go na aniya ang face-to-face classes sa ikalawang batch kung saan bukod sa medical courses ay pinalawig pa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at pinayagan na ang limited engineering at technology courses.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?