64

Jan 9, 2022 @ 19:54
By

‘V33Wise’ duo pahinga sa MPL, nag-trending

Nag-ingay ang mga fan ng Blacklist International sa Twitter ngayong Linggo matapos ianunsyo ng mga manlalaro na sina Danerie James “Wise” Del Rosario at Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna na hindi muna sila lalaro sa Mobile Legends Professional League (MPL) Season 9.

Ngayong Linggo ay trending ang mga topic na ‘Veewise’, ‘Blacklist’ at ‘#BreakTheCode’ na paraan ng mga fan para iparamdam ang kanilang pagmamahal sa duo.

Sa tulong nina Wise at OhMyV33nus, nagkampeon ang Blacklist sa MPL Season 7 at Season 8.

At nitong Disyembre lang ay naibulsa nila ang kampeonato sa M3 World Championships.

“Both the players and the management agreed that this is the perfect time to take their much-needed break that will better equip them for another run in Season 10 and a chance to defend our world championship title,” saad ng pamunuan ng Blacklist.

“They are excited to use this break to pursue personal goals and spend more quality time with their families,” dagdag pa nito.

Inaasahan namang muling magbabalik ang V33Wise sa MPL Season 10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?