2,476

Uy trinaydor si Chavit para maging 3rd telco

Sharing is caring!

Kung gusto, may paraan.

Muling napatunayan ang kasabihang ito sa karera para maging ikatlong telecommunication company na kakalaban sa dalawang nagungunang internet provider sa bansa.

Sa dami ng pera ng negosyanteng Davaoeño na si Dennis Uy, hindi ito makakuha ng telco na mayroong existing franchise para maging-partner niya sa pagpili ng pamahalaan ng third telco player.

Sa kanyang desperasyon na maging parte ng bidding, nakipagsabi-puwersa si Uy sa telco na may exclusive agreement na sa kalaban para sa karera sa third telco.

Ito ang Mindanao Islamic Telephone Company Inc. (Mislatel).

Ngunit sa mga impormasyon, makikitang may ekslusibong kasunduan na ang Mislatel sa DigiPhil, subsidiary ng TierOne Communications International Inc.

Ang TierOne ay ka-partner naman ng business group ni dating Ilocos Norte Governor Luis ‘Chavit’ Singson upang itatag ang Sear Telecom para sa bidding ng third telco.

Ngunit na-disqualify ang consortium na ito nang hindi makapagbayad ng P700 milyon para sa participation security na requirement para sa bidding.

Kasama ang Mislatel sa kasunduan na ginamit ni Uy para maging bahagi ng selection process para sa third telco.

Ang iba pang mga firm ay ang China Telecommunications Corporation, at ang pag-aari ng negosyante na Udenna Corporation at Chelsea Logistics Holdings Corporation.

Sa ilalim ng kasunduan na pinirmahan ng Mislatel at DigiPhil noong May 30, 2018 mayroong eksklusibong karapatan ang DigiPhil na magamit ang frequency ng Mislatel. Mayroon din itong karapatan na tumanggi sakaling may ibang interesado na bumili ng equity stakes ng huli.

Nabigyan ng 25-taong congressional franchise ang Mislatel noong 1998.

Bago ang araw ng selection para sa third telco, nabunyag sa DigiPhil ang ginawang ‘paggagapang’ ni Uy para maka-partner ang Mislatel.

Sumulat ang co-chairman ng DigiPhil sa National Telecommunications Company (NTC) noong Oktubre 12, para ipaalam ang exclusive agreement ng DigiPhil at Mislatel.

Ngunit sa kabila ng pagpapadala ng liham, dineklara pa rin ng NTC ang Mislatel consortium para maging provisional third telco player.

Gayunpaman, ang P700 milyon na binayad ng Mislatel para sa participation security ay dapat na mapawalang-bisa dahil maaaring palsipikado o naglalaman ng maling impormasyon ang mga pinasa nitong mga dokumento.

Ang tanong, hahabulin ba ng NTC si Uy sa mga iligal na hakbang nito upang maging 3rd telco?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?