55
ABANTE TNT UV EXPRESS TIGIL PASAHE
Jan 26, 2018 @ 14:16
By

UV Express sasaklolo sa mga na-stranded na MRT commuters

Pinayagan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga operator ng UV Express na magsakay ng mga pasahero na dumadaing na sa mga aberya sa biyahe ng MRT.

Ayon kay Transportation Asec. Elvira Medina na simula sa Lunes ay maari nang magsakay at magbaba ng mga pasahero ang mga UV Express vans sa mga lugar kung saan tumpok ang mga pasahero ng MRT.

Aniya, may kausap na sila na mga operator at ang mga ito ay bibiyahe sa linya ng MRT at maaring magsakay at magbaba sa mga ‘critical stations.’

Depensa na rin ni Medina hindi madaragdagan ng UV Express vans ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA dahil ang mga ito ay dati na rin bumibiyahe sa mga matutukoy na lugar.

Aniya ang panibagong plano ay tatakbo hanggang sa mahanapan ng DOTr ng solusyon ang kalbaryo sa mga biyahe sa MRT.

Magkasunod na araw ngayon linggo na bumaba sa pito ang bilang ng bumibiyaheng train units dahil sa kawalan ng spare parts sa mga bagon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?