110
uv
Jan 9, 2018 @ 20:43
By

UV binalaan ng LTFRB sa illegal fare hike

Tatatanggalan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) ng prangkisa ang UV Express na illegal na magtataas ng pasahe.
Ito ang banta ni LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada sa mga UV Expess drivers at operators matapos makatanggap ng reklamo ang ahensiya na nag aabiso na ang mga UV Express sa kanilang mga pasahero na magtataas ng singil sa pasahe kasunud ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Paliwanag ni Lizada, kailangan maghain muna ng petisyon sa LTFRB ang anumang sektor sa pampublikong transportasyon bago ito magtaas ng pasahe at dadaan umano ito sa proseso at ang ahensiya ang magtatakda kung magkano lamang ang nararapat na fare increase, sa hanay umano ng mga UV Express ay wala silang natataggap pa na anumang fare hike petition.
“Those who will unilaterally raise their fare rates face a minimum fine of P5,000 for overcharging passengers under Joint Administrative 2014-01, or the Revised Schedule of Fines and Penalties for Violation of Laws, Rules and Regulations Governing the Land Transportation Office.For third-time offenders, the driver or operator will be fined P15,000 on top of the revocation of their franchise”pahayag ni Lizada.
Ilang UX Express na bumibiyahe sa mula sa ilang lugar sa Bulacan hanggang Quezon City Via NLEX ang una nang nagpaskil sa kanilang mga sasakyan ng anunsyo na magtataas ng P5 na pasahe na epektibo simula Enero 15 resulta ng pagtaas ng bilihin, pagtaas ng upa sa terminal at presyo ng langis.
Sa datos ng LTFRB mula nitong Oktubre 2017 ay may  20,998 franchises para sa a22,645 UV Express units sa buong bansa.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?