40
views

By

Uuwing miyembro ng NDF panel, hindi gagalawin – Duterte

Sharing is caring!

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan ng mga miyembro ng peace panel ng komunistang grupo na inimbitahan niya sa dayalogong idaraos sa Pilipinas.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Duterte sa presscon na idinaos pagdating nito sa Davao International Airport mula sa China trip.

Ayon kay Pangulo, ginagarantiyahan niya na walang gagalaw sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF sa itinakda niyang 2 buwang timeline para sa pagbuhay sa usapang pangkapayapaan.

Gayunman, dapat aniyang tiyakin ng komunistang grupo na walang puputok na kahit isang bala ng baril mula sa grupo habang umaandar ang negosasyon.

Bukod dito, nais ni Duterte na itigil din ng mga rebeldeng komunista ang pangongolekta nito ng revolutionary tax at iba pang karahasan.

Matatandaang pinatigil ni Duterte ang pakikipag-usap sa mga komunistang grupo dahil sa patuloy na pag-atake sa mga tropa ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?