92

By

Uuwi na kami ni papa – Jolo Revilla

Sharing is caring!

Sobra ang kasiyahan ngayon ni actor at Cavite Vice Gov. Jolo Revilla matapos mapawalang-sala na ang kanyang ama na si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Nitong Biyernes ay inihayag nito sa kanyang Instagram ang kasabikan na sa wakas ay uuwi na sila ng kanyang ama, na nakulong noon pang 2014.

“Uuwi na kami ni Papa! Kumpleto na ulit ang pamilya namin sa aming bahay. Maraming maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paglaya. The truth will always prevail!” sabi ni Jolo sa caption ng larawan na magkasama sila ni Bong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?