1,292

Sep 16, 2021 @ 22:05
By

Uttar Pradesh wala nang COVID dahil sa Ivermectin

Malinis na umano sa COVID-19 ang 33 distrito sa Uttar Pradesh sa India.

Ayon sa Uttar Pradesh government, napanatili nilang mababa ang bilang ng nagpopositibo at namamatay sa COVID sa tulong ng Ivermectin.

Kinabibilangan ang 33 COVID-free district ng Aligarh, Amroha, Ayodhya, Baghpat, Ballia, Balrampur, Banda, Basti, Bahraich, Bijnor, Bhadohi, Chitrakoot, Chandauli, Etah, Deoria, Fatehpur, Ghazipur, Gonda, Hamirpur, Hapur, Hardoi, Hathras, Kasganj, Lalitpur at Mahoba.

Tumaas umano ang recovery rate nila sa 98.7%, na nagpapatunay ng pagiging epektibo ng Ivermectin. Bahari raw ito ng kanilang “Covid Control Model”, ayon sa The Gateway Pundit report.

Ang Uttar Pradesh umano ang nangungunang state sa India na gumagamit ng Ivermectin.

Isa rin ito sa may pinakamababang COVID case kumpara sa iba pang state sa India sa kabila na mababa ang vaccination rate nila sa 5.8% fully vaccinated.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?