90

Nov 9, 2021 @ 13:29
By

Utos ni Sara! Baste Duterte atras sa pagka-vice mayor

Binawi ni Davao City Vice Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang kanyang kandidatura para muling tumakbo sa nasabing posisyon sa 2022 elections.

Ayon sa ulat, ang desisyon ni Baste ay alinsunod sa sinabi sa kanya ng kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Samantala, matatandaang si Mayor Sara ay naghain ng kandidatura para muling tumakbong alkalde ng lungsod.

Gayunman, marami pa rin sa kanyang mga taga-suporta ang umaasa na magbabago ang kanyang isip pagsapit ng Nobyembre 15 na siyang huling araw para sa pagsasapinal ng mga kandidato para sa halalan. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?