109

Jun 25, 2018 @ 15:49
By

Utos ni Duterte vs tambay, malinaw sa PNP

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde na hindi nila na-misinterpret ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte para manghuli ng mga lumalabag sa ordinansa.

Aniya, alam nila sa umpisa pa lang na hindi target sa utos ng Pangulo ang mga tumatambay na walang paglabag sa anumang ordinansa.

“We clearly emphasized that there was never any misinterpretation on the ealier directive to PNP to do everything within the bounce of the law,” sabi ni Albayalde.

Matatandaang nainis at napamura pa si Pangulong Duterte kamakailan dahil sa tila hindi naintindihan ng PNP ang kanyang direktiba patungkol sa pang-aaresto sa mga tambay.

At upang mas maging malinaw ito sa mga pulis, mahigpit ang kanyang direktiba sa mga pulis na dapat lahat ng kanilang aksyon katulad ng Oplan Sita, Oplan Bakal at Oplan Galugad ay nakabatay sa Police Operational Procedures.

Ipinauubaya niya na rin sa PNP commanders ang direktang pangunguna sa pagsita sa mga lumalabag sa ordinansa sa kabila na inihayag ng opisyal na sumuporta lamang ang mga pulis para rito dahil pangunahing trabaho ng local government officials na iutos ito sa mga barangay official. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?