90

Nov 30, 2017 @ 11:45

Utos ni Duterte sa mga sundalo, barilin agad ang NPA

Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad partikular sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na barilin ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kapag naispatan ang mga ito na may dalang armas.

Sa harap na rin ito ng serye ng opensiba ng NPA matapos tuldukan ng Pangulo ang peace talks sa kilusang komunista.

Ayon sa Pangulo, mas mabuting unahan ang mga NPA kaysa ang mga sundalo ang mapatay ng mga ito sa engkuwentro.

Wala aniyang dapat na ikatakot ang mga awtoridad dahil sagot niya ang mga ito sakaling may mapatay na mga rebelde.

“So what will be my orders to the…? Eh di shoot them. Eh they will kill you anyway. So if there is an armed NPA there or terrorists, is he is holding any firearms, shoot. Ako na ang magsagot, you just shut up,” ang pahayag ng Presidente.

Binilinan din ng Pangulo ang mga sundalo na huwag sumagot kapag pinasok ang isyu ng human rights at ituro aniya siya na nag-utos sa kanila.

Hindi aniya nito pagsasabihan ang mga rebelde na magdahan-dahan habang sinisira ang bansa kaya dapat lamang gawin ang nararapat sa mga ito.

“Do not answer if that issue of human rights. You say ‘go to Duterte. It is and was his order.’ Pero tumahimik ka,” ang dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?