53

Sep 23, 2021 @ 16:33
By

Utos ng WBO: Casimero isasabong kay Paul Butler

Mukhang hindi pa rin makukuha ni Johnriel Casimero ang inaasam na unification fight kontra kay Japanese unbeaten champion Naoya Inoue.

Ito ay matapos ipag-utos ng WBO na kailangang idepensa ni Casimero ang kanyang bantamweight belt kontra sa challenger na si Paul Butler mula sa UK.

“The WBO World Championship Committee hereby orders the parties herein commencement of negotiations for the above-mentioned WBO Bantamweight Mandatory Championship Contest,” pahayag ni WBO Championship Committee chairman Luis Batista-Salas.

“If an accord is not reached within the time frame set forth herein, a Purse Bid will be ordered pursuant to WBO Regulations of World Championship Contests,” saad pa nito.

Si Butler ay may kartadang 33-2 at may hawak ng WBO International bantamweight title. Galing siya sa isang split decision win nitong Hunyo.

Samantala, si Casimero ay galing din sa panalo kung saan dinaig niya via decision ni Guillermo Rigondeaux para mapanatili ang world title.

Gayunman, si Inoue ang matagal ng bukambibig ni Quadro Alas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?