29

Jun 22, 2022 @ 22:45
By

Utol susunod sa yapak ni Petecio

Bukod kay Nesthy Petecio, isang miyembro g pamilya nila ang nasa larangan na rin ng boksing.

Ibinida Miyerkoles ng 2020+1 Tokyo Olympics women’s boxing silver medalist na si Nesthy ang pagbuntot sa kanya ng lalaking kapatid.

“Hindi ako makapag-antay na ikaw naman ang gagawa ng pangalan sa sport (boxing) na pinili mo little brother,” ani Nesthy.

Pinoste ng boksingera ang larawan nilang mag-utol sa kanyang social media account.

Dinagdag pa ni Nesthy na gagawa siya ng kasaysayan kasama si Norlan Petecio.

“Gagawa tayo ng history na magkasama! Proud kayo si ate nimo!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?