1,184

Jan 3, 2022 @ 16:48
By

Utol ni Robert Bolick kinampihan si Aby Maraño

Matapos ipagmalaki ni Northport guard Robert Bolick ang kanyang engagement kay Cassandra Yu, nagpahayag ng suporta ang kapatid niya sa ex-girlfriend ng basketbolista na si volleyball star Aby Maraño.

Sa Instagram, nagbigay ng mensahe ng pagsuporta kay Aby si Connie Bolick.

Matatandaang nauna na ring pumalag si Connie sa bagong relasyon ng kapatid at binasura ang walong taong relasyon kay Aby.

Sinabi ni Connie na deserve ni Aby na mahalin at maging masaya.

“You deserve to dazzle with colors. You deserve to stand out in this world. You deserve to be different than everyone else! You deserve all the good things this world can offer you. You deserve the whole night sky and the whole universe!

“You deserve to be loved. You deserve to constantly be happy. You deserve not to be afraid. You deserve to be confident. You deserve to feel the greatness within!” ani Connie.

Matatandaang lumikha ng ingay ang hiwalayan nina Bolick at Maraño matapos mag-react ang huli sa Instagram post ng PBA player sa bakasyon nito kasama ang bagong nobyang si Yu.

Kabilang sa mga power couple sa mundo ng sports sina Bolick at Maraño. (IS)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?